LTO, palalawakin ang e-Patrol Services sa mga barangay sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalawakin na ng Land Transportation Office ang coverage ng kanilang Mobile Services sa buong bansa.

Ang hakbang na ito ng LTO ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na dalhin ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, isinasapinal na lamang nila ngayon ang strategic deployment ng e-Patrol Services batay sa datos na makukuha ng ahensya kung saan sila kailangan.

Kabilang sa mga serbisyong inaalok sa ilalim ng e-Patrol Services ay ang renewal ng driver’s license at renewal ng motor vehicle registration.

Pagtiyak pa ni Mendoza na aarangkada na sa susunod na linggo ang ang e-Patrol Services sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us