Lung Month, inilunsad ngayong umaga ng iba’t ibang grupo ang isang Billboard Lung Installation na nagpapakita ng tindi ng Air Pollution sa Metro Manila.
Ikinabit ang Lung Billboard sa labas ng Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City, na may larawan ng tila mga baga ng tao na may hepa filters. Layon nitong ipakita ang epekto ng polusyon sa hangin sa kalusugan ng tao at paigtingin ang panawagan para maaksyunan ito.
Inilunsad ito ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), katuwang ang Lung Center of the Philippines at iba pang mga grupo.
Ipapakita naman ang billboad sa loob ng 10 araw sa entrance gate ng Emergency Out Patient ng ospital.
Umaasa ang ICSC na makatulong ang kampanya para tumaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga panganib na dala ng air pollution at maitulak ang mga polisiya para matugunan ito kabilang ang pag-update sa Philippine Air Quality Standards. | ulat ni Merry Ann Bastasa