Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng City Government ng Bacoor kung sakaling umabot sa kanilang lugar ang langis na tumagas mula sa lumubog na barko sa Bataan.
Ayon sa Bacoor City LGU, patuloy na gumagawa ng improvised oil spill booms ang mga volunteers mula sa mga mangingisda ng Bacoor City, Bantay Dagat, miyembro ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council at Philippine Coast Guard – Bacoor.
Maaari namang mag-donate ng mga used plastic bottles ang publiko sa tanggapan ng Office of the Agricultural Services- Bacoor o kaya naman sa kanilang mga barangay para sa materyales ng improvised oil spill booms.
Kahapon, nauna nang naglatag ng 100 metro ng oil spill booms ang mga lokal na awtoridad para bigyang proteksyon ang Bacoor Bay at Mangrove Area sa lugar.| ulat ni EJ Lazaro