Maagang pagpapakonsulta at maayos na case management, payo ng physician-solon, sa gitna ng unang naitalang kaso ng Mpox sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin ang kahalagahan ng aktibong pagbabantay ng healthcare workers at maagang pagpapakonsulta upang maiwasan ang pagkalat ng Mpox (Monkeypox).

Ito’y matapos maitala ang unang kaso ng Mpox sa Pilipinas.

Aniya mahalaga na ma-activate ang anim na regional testing centers at ang RITM bilang national reference lab, para sa maagap na pagtukoy ng sakit.

Maaari din aniyang gawing libre ang antivirals para sa mga pasyente gayundin ang bakuna para naman sa “super vulnerables.”

Paalala pa ng lady solon na isa ring doktor, na importante ang proper hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay at iwasan ang paghihiraman ng gamit.

“Handwashing, and proper hygiene including non sharing of personal necessities is very important. Active surveillance via our healthcare workers is very important. We laud the early reporting and detection of the recently diagnosed Mpox case. But it’s very impt to caution against stigma and discrimination,” ani Garin.

Dagdag pa ni Garin na dapat iwasan ang stigma sa mga may sakit at panagutin ang mga ‘bad marites’ na maaaring makabalam sa early detection.

Tiwala naman si Garin na magagawa itong tugunan at mapigil ang pagkalat.

“We had a similar situation before and we were able to contain it. Hence, people’s awareness and participation is very important…Sa ngayon, napaka importante and tulong tulong na pagmamasid at suporta. Kaakibat din dito yung paulit ulit na pagpapa alala ng mga sintomas at maagang pagpapakonsulta para maagapan ang komplikasyon at maiwasan ang spread ng virus na ito,” saad ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us