Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mahigit 200 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa DMW, nasa kabuuang P5.18 milyon ang halaga ng ipinamahagi na tulong pinansyal sa 259 na benepisyaryo.
Pinangunahan nina DMW Undersecretary Bernard Olalia at Assistant Secretary Venecio Legaspi, kasama ang mga opisyal ng South Cotabato LGU at Koronadal City LGU ang pamamahagi ng tulong pinansyal.
Nasa 128 OFWs ang nakatanggap ng tig-P30,000 sa ilalim ng AKSYON Fund.
Habang 128 OFWs naman ang nakatanggap ng tig-P10,000 sa ilalim ng Livelihood Program for OFW Reintegration program.
Tatlong OFW-beneficiaries naman ang nakatanggap ng tig-P20,000 bilang karagdagang suporta sa kanilang pagbabalik-trabaho bilang mga propesyonal na guro sa ilalim ng programang SPIMS.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay bahagi ng mga programa ng DMW para sa reintegration ng mga OFW sa kanilang pagbabalik sa bansa. | ulat ni Diane Lear