Mahigit kalahating bilyong piso, gastos sa security detail ni VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon ang aniya’y gastos ng pamahalaan sa security detail ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gadon na pumapalo aniya sa mahigit kalahating bilyong piso ang ginagamit na pondo para sa Pangalawang Pangulo.

Binigyang-diin ng kalihim na sa nakalipas na dalawang taon, sumusuweldo aniya ng tinatayang tig-₱50,000 kada buwan ang nasa 433 na miyembro ng Vice Presidential Security Protection Group (VPSPG).

Idinagdag pa ni Gadon na may mga datos ding nagpapakita na gumastos umano ang Bise Presidente ng ₱55 milyon mula 2022 hanggang 2024 para sa Special Duty Allowances ng Military at Uniformed Personnel.

Nabatid na humihingi ng ₱2 bilyong pondo ang Office of the Vice President (OVP) para sa 2025 budget o walong porsyentong mas mataas kumpara sa nakalipas na taon.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us