Makati LGU, inumpisahan na ang house-to-house na pagbibigay ng libreng shingles vaccine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang libreng bakunahan sa Lungsod ng Makati.

Ito ay base na rin sa anunsyo ni Makati Mayor Abby Binay na nagsimula na ang house-to-house na pagbibigay ng libreng shingles vaccine sa kanilang mga residente.

Ayon sa alkalde, layon ng nasabing hakbang na mabigyan ng proteksyon ang mga immunocompromised at senior residents nito. 

Paliwanag ng punong lungsod, ang shingles vaccination drive ng Makati ay mahalagang hakbang sa patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Sa pagbibigay aniya ng proteksyon sa mga mamamayang mahina ang resistensya sa sakit, maitataguyod ang mas malusog, protektado, at matatag na komunidad.

Sa ngayon, tanging Makati lang aniya ang tanging pamahalaang lokal sa bansa na nagbibigay ng libreng shingles vaccine.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us