Malabon LGU, nagbabala sa kumakalat na scam na ginagamit ang pangalan ni Mayor Jeannie Sandoval

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ngayon ng Malabon LGU ang mga residente nito sa kumakalat na isang panawagan para sa donasyong salapi na diumano’y mula kay Mayor Jeannie Sandoval.

Sa abiso ng LGU, pinabulaaan nito ang naturang impormasyon at iginiit na ito ay pawang gawa-gawa lamang.

Kasunod nito, ay pinayuhan ng LGU ang mga residente na mag-ingat at maging mapanuri laban sa mga mapanlinlang na indibidwal na nagpapanggap bilang si Mayor Jeannie o empleyado ng pamahalaang lungsod na humihingi ng anumang uri ng donasyon.

Huwag rin aniyang basta maniniwala sa mga nababasa ‘online’ na maaaring maghatid sa bawat indibidwal ng pangamba sakaling mapaniwalaan ang maling impormasyong ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us