Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol kaninang madaling araw sa bansang Russia.
Ito’y batay sa inilabas na Tsunami Alert ng PHIVOLCS ilang minuto matapos maganap ang lindol.
Dahil dito, walang dapat ipangamba ang mamamayan sa bansa partikular sa mga baybaying dagat sa Extreme Northern Luzon.
Dakong alas-3:10 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 7.4 earthquake ang nasabing bansa.
Natunton ang epicenter ng lindol sa bahagi ng Hilagang Silangan ng karagatang sakop ng Kamchatka.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 44 Kilometro ang pinagmulan nito.
Paliwanag pa nito na posible umano ang mapaminsalang tsunami sa mga baybaying dagat na may layong 300 kilometro mula sa pinagmulan ng pagyanig. | ulat ni Rey Ferrer | RP3 Alert