Kumpiyansa si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones na muling tatangkilikin ng taumbayan ang karne ng baboy ngayong ‘ber’ months.
Ginawa ni Briones ang pahayag matapos humina ang bentahan ng produktong baboy dahil sa takot ng publiko sa African Swine Fever (ASF).
Paliwanag ni Briones, posibleng makatulong aniya ang pagdating ng bakuna laban sa nasabing sakit.
Liban pa aniya dito na wala naman talagang epekto sa kalusugan ng tao ang nasabing sakit.
Dahil dito tiwala ang mambabatas na babalik ang mataas na bentahan ng baboy sa merkado ngayong holiday season.
Giit ni Briones, sa kasalukuyan ay mababa ang presyuhan ng karneng baboy sa merkado dahil nasa P150 pesos lang aniya kada kilo ang farm gate price nito sa ngayon. | ulat ni Lorenz Tanjoco