Mas mabigat na parusa laban sa sexual assault, isinusulong ni Sen. Robin Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ni Senador Robin Padilla ang pagpapataw ng mabigat na parusa para sa sexual assault sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Anti Rape Law of 1997.

Sa Senate Bill 2777, nais ng senador na tiyaking hindi lang malakas ang ating mga batas…

Gusto rin ni Padilla na tiyaking magiging gender-responsive ang batas kontra rape at sexual assault, dahil pareho naman aniyang babae at lalaki ang nagiging biktima nito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang reclusion perpetua hanggang kamatayan ay ipapataw kung:

– ang rape ay ginawa na gamit ang deadly weapon o ginawa ng dalawa o higit pang tao;

– ang biktima ay masiraan ng bait dahil sa nangyaring rape;

– may homicide na nangyari sa pagtangkang rape

– ang rape ay ginawa kasama ang “aggravating or qualifying circumstances” sa artikulo.

Nilinaw ng mambabatas na sa isinusulong niyang panukala, ang mga parusang ito ay ipapataw rin sa mga suspek sa sexual abuse case laban sa sino man, ano man ang kanilang kasarian.

Ipinunto kasi ni Padilla, na sa ngayon ay limitado lang para sa mga suspek na nambiktima ng babae ang mga parusang ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us