Mass blood donations, isinagawa ng PRC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang Philippine Red Cross (PRC) ng sabay-sabay na mass blood donation drives iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong araw.

Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, layon ng programang ito na lumikha ng mga makabagong paraan ng pagpapakita ng pagkamakabayan na makapagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino.

Sa harap ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa, mahalaga ang dugo na makokolekta para sa mga pasyente.

Katuwang ang Philippine Army, nagsagawa ng blood donation drive ang PRC sa 24 na lugar sa buong bansa.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Mandaluyong, Rizal, Pasig, Makati, Malabon, Laguna, Palawan, Sorsogon, Antique, Davao Oriental, South Cotabato, General Santos, Batanes, Batangas, Baguio, Cagayan, Zamboanga del Sur; at Iloilo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us