Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa publiko na ang mataas na inflation rate sa buwan ng Hulyo ay pansamantala lamang o maituturing na “one-time uptick” dahil sa mataas na base effects.
Ayon kay Recto, ito ay inaasahan ding babalik sa target range ng economic managers na nasa 3-4 percent hanggang matapos ang taon kapag naipatupad ang mga intervention ng gobyerno.
inihahambing din ito ng kalihim sa presyo ng mga bilihin noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan hindi pa masyadong tumaas ang presyo ng bigas.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng July inflation outturn na 4.4%.
Ang bahagyang pagtaas ng inflation ay bunsod ng mataas na presyo ng food and non-food items gaya ng liquefied petroleum gas (LPG), fuel, meat, at fruits, maging ang maliit na bawas sa presyo ng kuryente at isda na nakaambag sa pagtaas ng inflation.
Ang rice inflation naman ay bumagal sa 20.9% nitong July mula 22.5% noong June 2024.
Samantala, sa buwan ng Agosto, inaasahan nang bababa ang inflation, pero ani Recto, may bahagyang pagtaas pa rin dahil sa epekto ng bagyong Carina sa agriculture sector. | ulat ni Melany Valdoz Reyes