Matagumpay na MMCA, pinuri ng AFP Chief sa pagpapalakas ng pang rehiyong panseguridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang katatapos na matagumpay na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Australia, Canada, Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS) sa mahalagang papel nito sa pagpapalakas ng pangrehiyong seguridad.

Sa isang statement, sinabi ni General Brawner na nakamit ng ehersisyo ang layunin na pahusayin ang tactical capability at interoperability ng mga kalahok na pwersa.

Ayon kay Gen. Brawner, ang walang-patid na koordinasyon at pagsasakatuparan ng mga planadong aktibidad ay nagpapakita ng malakas na ugnayang pandepensa at nagkakaisang paninindigan ng mga magkaalyadong bansa na itaguyod ang matatag at secure na Indo-Pacific Region.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang sabayang pagpatrolya ng mga magkaalayadong pwersa sa area of operations ng AFP Western Command (Wescom) sa West Phil. Sea ay natapos bandang alas-6 ng hapon, kahapon, na walang hindi kanais-nais na insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us