May-ari ng sasakyang nagparada sa Bicycle Lane, ipinatawag ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng Toyota Vios na nasa viral video matapos makitang nakaparada sa Bicycle Lane.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, nagkasa na ang ahensya ng imbestigasyon para matukoy kung iisa lang ang may-ari ng sasakyan at ang nasa viral video.

Giit ni Mendoza, maituturing na pambabastos sa bicycle rider community at kawalan ng disiplina ang ginawa ng motorista sa viral video.

Sa SCO na pirmado ni LTO-Intelligence and Investigation Division head Renante Militante, pinahaharap ang registered car owner na may plakang DAM 3820 sa LTO-NCR office sa August 26.

Pinagsusumite rin ito ng paliwanag kung bakit hindi ito dapat managot kasunod ng insidente.

“Failure to appear and submit the written comment/explanation as required shall be construed by this Office as a waiver of your right to be heard, and the case shall be decided based on the evidence at hand,” saad ng SCO. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us