Target ng Maynilad Water Services na makapagtanim ng 220,000 punong kahoy sa mahigit 660 ektaryang watershed area ngayong taon.
Ito na ang pinakamalaking bilang ng puno ang itatanim ng water company sa isang taon lamang.
Sa ilalim ng ‘Plant for Life Program”, magtutulungan ang mga volunteer mula sa government agencies, private companies at iba pang organisasyon para magtanim sa mga nakakalbong watershed.
Makakatulong ito para maiwasan ang soil erosion at maprotektahan ang kalidad ng suplay ng tubig para sa milyon-milyong consumers sa Metro Manila.
Itatanim sa IPO Watershed sa Bulacan at La Mesa Watershed area sa Quezon City ang mga kawayan, palosapis, narra, kupang, dungon, amisan at balayong.| ulat ni Rey Ferrer