Asahan pa ang mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa bukas dahil sa umiiral na Habagat.
Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa posibleng pagbaha at landslide lalo na sa low-lying areas dala ng katamtaman hanggang kalakasang pag-ulan.
Bukod sa kamaynilaan, ang iba pang lugar na makakaranas ng pag-ulan ay ang Western Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.
May mga pag-ulan din sa iba pang lalawigan sa Visayas, Bicol Region, ilang lugar sa MIMAROPA, at ilan pa sa CALABARZON.
Kaninang alas-3 ng hapon, namataan naman ang Low Pressure Area sa layong 475 kilometro sa Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.
Habang nagpapaulan naman ang habagat sa Central at Southern Luzon at Visayas. | ulat ni Rey Ferrer