Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan.
Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA, inilabas kaninang 8:29 AM, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Batangas, Quezon, Laguna, Rizal, at Cavite.
Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob ng dalawang oras.
Kasalukuyan na ring nararanasan ang pag-ulan sa bahagi ng San Felipe at San Narciso sa Zambales at Balanga at Abucay sa Bataan.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga natukoy na lugar sa banta ng flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm. | ulat ni Merry Ann Bastasa