Mga baybaying dagat na kontaminado ng Red Tide, muli na namang nadagdagan – BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumami muli ang mga baybaying dagat sa bansa na nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.

Batay sa pinakahuling ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nasa sampung coastal waters sa iba’t ibang lalawigan ang kontaminado ng red tide na lampas sa regulatory limit.

Pinakabagong nadagdag sa listahan na positibo sa red tide ay ang Irong-Irong Bay at Villareal Bay sa Samar.

Nananatili namang hindi ligtas sa human consumption ang mga lamang dagat sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Coastal Waters ng San Benito sa Surigao Del Norte; Coastal Waters ng Daram Island, Zumarraga Island, at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Cancabato Bay sa Leyte; at Coastal Waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province.

Dahil dito, hindi pa pinapayagan ng BFAR at LGUS ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga lamang dagat mula sa nabanggit na katubigan .

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us