Mga baybaying positibo sa red tide, nadagdagan — BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumawak pa ang mga sakop na karagatang kontaminado ng red tide toxin.

Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), apektado na rin ng paralytic shellfish poison ang karagatan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay.

Bukod dito, nananatiling apektado ng red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte; karagatan ng Daram Island, Zumarraga Island at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Cancabato Bay sa Leyte.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us