Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Inter-Agency Committee na tumatalakay sa mga probisyon hinggil sa benepisyo ng solo parents.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi pa kumpleto ang mga guidelines para masimulan na ang mga programa at serbisyo para sa solo parents.
Aniya, ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) pa lamang ang nakapagsumite ng list of benefits para sa solo parents habang ang ibang ahensya ay hindi pa.
Ang Solo Parents’ Welfare Act ay nagbibigay ng karapatan sa mga Filipino solo parents na mabigyan ng sapat na social protection mula sa programa ng gobyerno.
Ang DSWD ang tumatayong chairman ng solo parents’ Inter-agency Coordinating and Monitoring Committee (IACMC). | ulat ni Rey Ferrer