Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development sa Inter-Agency Committee na tumatalakay sa mga probisyon hinggil sa benepisyo ng solo parents.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi pa kumpleto ang guidelines para masimulan na ang mga programa at serbisyo para sa solo parents.
Aniya, ang Department of Labor and Employment at Technical Education and Skills Development Authority pa lamang ang nakapagsumite ng list of benefits para sa solo parents habang ang ibang ahensya ay hindi pa.
Ang Solo Parents’ Welfare Act ay nagbibigay karapatan sa Filipino solo parents na mabigyan ng sapat na social protection mula sa programa ng gobyerno.
Ang implementing rules and regulations nito o IRR ay nilagdaan noong September 20, 2022.
Ang DSWD ang tumatayong chairperson ng solo parents’ Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee (IACMC). | ulat ni Rey Ferrer