Nagsimula na ang Korte Suprema na magpalabas ng pinasimpleng bersyon ng kanilang press release tungkol sa kanilang mga desisyon.
Ito ang unang hakbang na ginawa ng bagong Hepe ng Communications Bureau ng Supreme Court na pinamumunuan ni Atty. Mike Navallo.
Layunin nito na mas pasimplehin at mas maintindihan ng publiko ang mga desisyon at iba pang mga balita ng Korte Suprema na gagamit ng wikang Filipino at Ingles.
Inaprubahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang desisyon na ilabas sa wikang Filipino ng mga dokumento ng Supreme Court.
Si Navallo ay naitalaga noong Agosto 6 bilang bagong Hepe ng Communications Bureau ng Supreme Court matapos ang mahaba niyang pagtatrabaho bilang mamamahayag. | ulat ni Michael Rogas