Mas pinaigting pa ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kanilang mga hakbang kasunod ng paglaganap ng African Swine Fever sa Batangas.
Ayon kay NMIS-NCR Regional Technical Director Dr. Jocelyn Salvador, makakatulong umano ito para maiwasang maipuslit papasok ng Metro Manila ang mga apektadong baboy.
Bukod sa accreditation at registration, puspusan na rin ang surveillance audits ng NMIS sa mga planta o mga meat establishments.
Sa pamamagitan nito, mahigpit na mababantayan ang mga slaugtherhouse, cold storage facilities, meat cutting, at meat distribution centers sa food safety.
Iniutos din ni Dr. Salvador na maging alerto ang Quick Response ng NMIS RTOC-NCR, gayundin ang Plant Operation Standards and Monitoring Section at lahat ng Meat Inspection Officers sa Metro Manila.
Puspusan ding isasagawa ang information dissemination ng Meat Standards Development and Consumers Protection Section. | ulat ni Rey Ferrer