Mga honor student sa Pasig City, makatatanggap ng hanggang ₱30,000 insentibo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ng cash incentives ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga honor student ng lungsod na nagtapos o magtatapos ngayong taon.

Sa abiso ng Pasig Scholarship Office, ₱30,000 ang kanilang ibibigay sa magsu-Summa Cum Laude, ₱25,000 para sa mga Magna Cum Laude, at ₱20,000 para sa mga Cum Laude.

Para naman sa mga Valedictorian/Gold Medalist, makatatanggap sila ng ₱10,000 habang ₱5,000 para sa Salutatorian/Silver Medalist.

Nagsimula na ang aplikasyon para sa nasabing programa at tatagal ito hanggang August 16, 2024.

Dalhin lamang ang mga requirement gaya ng Certified True Copy ng diploma o Certificate of Honors na natanggap, digital copy ng graduation picture, kopya ng pinakahuling scholarship application form, at sagutan ang form na makikita sa official Facebook page. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us