Idineklara na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas sa human consumption ang mga isda mula sa karagatan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Navotas, Parañaque at Las Piñas sa Metro Manila.
Batay ito sa pinakahuling fish sampling at sensory evaluation na isinagawa ng DA-BFAR sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill.
Negatibo din sa traces ng langis at grasa ang fish samples mula sa karagatan ng Batangas, partikular sa Nasugbu, Lian, at Calatagan.
Ayon sa DA-BFAR, ang mga isda at shellfish sa karagatan ng Lalawigan ng Cavite ang hindi pa ligtas sa human consumption.
Matatandaang lumubog kamakailan sa Limay Bataan ang Motor Tanker Terranova na may kargang 1.4 million litro ng industrial fuel. | ulat ni Rey Ferrer