Regular nang magsusuplay ng agricultural products ang siyam na Agrarian Reform Beneficiaries Organization sa Philippine Army sa Pili, Camarines Sur.
Ang nasabing hakbang ay inisyatiba ng Department of Agrarian Reform upang matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita.
Sa pamamagitan din nito, magkakaroon na sila ng tiyak na merkado para sa kanilang agricultural at processed food products.
Kabilang sa mga ARBOs na kalahok sa inisyatibang ito ay mula sa Bombon, Tigaon, Pili, Ocampo, at Naga City. | ulat ni Rey Ferrer