Mga lihim na lagusan sa loob ng KOJC Cathedral sa Davao City, ibinunyag ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinakita ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga umano’y lihim na lagusan sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Cathedral sa Davao City.

Ito’y sa ika-6 na araw ng paghahanap ng Pulisya para matunton si KOJC Founder, Pastor Apollo Quiboloy para silbihan ng warrant of arrest dahil sa kasong Child Abuse at Qualified Human Trafficking.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame kahapon, sinabi ni Abalos na ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga Pulis na mahanap ang pastor.

Kabilang sa mga ipinakita ng Kalihim ang umano’y secret door na nag-uugnay sa main hall ng cathedral patungo sa isang lounge at ang mga silid sa ilalim ng lupa na kasalukuyang ginagawa.

Sa panig naman ng Pulisya, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na batay sa ulat ng operating team sa pangunguna ng Davao Regional Police Office, malapit na umano nilang matunton ang kanilang pakay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us