Umabot sa 43 tindahan ang nakitaan ng paglabag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa price freeze na ipinatupad sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity sa pananalasa ng habagat at bagyong Carina nitong nakaraang buwan.
Ayon sa DTI, pinadalhan agad ng notice of violation ang mga naturang tindahan upang mahingi ang kanilang paliwanag.
Kaungay nito ayon pa sa DTI nasa 370 na klase ng mga produkto ang hindi rin sumunod sa tamang presyo.
Kung maaalala, tatagal ang naturang prize freeze hanggang sa Setyembre 24 para maiwasan ang hindi tamang pagtaas ng presyo. | ulat ni AJ Ignacio