Mga magbabakasyon ngayong weekend, pinayuhang wag magbitbit ng pork products

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang National ASF Prevention and Control Program sa mga magbabakasyon ngayong long weekend na iwasang magdala ng pork at pork products sa kanilang mga pupuntahang destinasyon.

Kabilang dito ang chicharon, sausages, ham, chorizo, at iba pa.

Giit ng Department of Agriculture (DA), hindi nagbabakasyon ang African Swine Fever (ASF).

Paliwanag pa ng kagawaran, kahit na walang epekto sa kalusugan ng publiko ang ASF, madali naman itong makahawa sa mga baboy at nakakamatay pa.

Kaya naman bilang pakikiisa sa pagsusumikap ng pamahalaan na makontrol ang pagkalat pa ng ASF sa bansa, mas mabuting huwag nalang magbitbit nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us