Nais ng mga nagtitinda ng bigas sa Palengke na makibahagi rin sa “Rice for All” Program ng Pamahalaan sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA).
Ayon sa mga rice retailer sa Agora Public Market sa San Juan City, mas madali para sa mga mamimili ang magtungo sa palengke lalo na kung malayo sa kanila ang mga piling KADIWA center.
Paliwanag nila kung maibabagsak din sa kanila ang Php 45 kada kilo ng murang bigas, makatutulong ito sa mga kababayang nais makapagtipid.
Sa katunayan anila, may mga cutomer din silang naghahanap ng murang bigas.
Kasalukuyang naglalaro pa rin sa Php 49 hanggang Php 50 ang kada kilo ng pinakamurang well-milled rice sa Agora Public Market. | ulat ni Jaymark Dagala