Mga OFW sa Lebanon, hinikayat na i-avail ang libreng repatriation program ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon si Kabayan Party-list Representative Ron Salo sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na lumipad na pabalik ng Pilipinas habang bukas pa ang mga paliparan sa naturang bansa.

Ayon sa mambabatas, samantalahin na ng mga OFW ang libreng repatriation ng pamahalaan para makauwi ng bansa habang hindi pa malala ang sitwasyon doon.

“I urge our kababayans in Lebanon to seize this opportunity to return home safely and at no cost. This is your chance to reunite with your loved ones and ensure your safety during these uncertain times.” ani Salo

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 o voluntary repatriation ang Lebanon.

Tinatayang may 1,000 Pilipino ang nag sign up para sa repatriation program ng DMW.

“The risks on the safety and security of our OFWs in Lebanon are high. I encourage them to prioritize their safety and well-being by availing of this free repatriation service by our government,” sabi pa ni Salo.

Pinuri naman ng mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippine Embassies ng Israel at Cairo, sa kagyat nilang aksyon para sa ligtas na pag-uwi ng mga kababayan natin mula Lebanon lalo na aniya at mabilis magbago ang sitwasyon doon.

“The government has done an admirable job in repatriating many of our kababayans, but we must remain vigilant. The situation can change rapidly, and it is crucial that all Filipinos wishing to return home can do so without delay.” sabi pa ng mambabatas | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us