Mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group na nanguna sa ikinasang operasyon sa Pampanga na ikinasawi at ikinasugat ng mga kabaro nito, sinibak sa puwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalis muna sa kani-kanilang puwesto ang mga operatiba ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na nanguna sa ikinasang operasyon sa Angeles, Pampanga noong August 3.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng pamunuan ng PNP na nagkaroon nga ng friendly fire sa pagitan ng mga rumespondeng pulis na nagresulta sa pagkasawi ni PSSgt. Nelson Santiago at ikinasugat ni PCMSgt. Eden Accad.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, layon nitong bigyang-daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon, lalo’t umamin ang isa sa mga operatiba na baril nila ang nakadisgrasya sa dalawa nilang kasamahan.

Matapos makumpirma na mula sa 5.56mm na bala ang nakapatay kay Santiago at nakasugat kay Accad, agad na isinailalim ito sa inquest proceedings at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injury.

Kasunod nito, pinarerepaso ni PNP Chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil ang operational process ng operating team kasama na ang hindi pagsusuot ng bullet proof vest gayundin ang paggamit ng malalakas na kalibre ng armas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us