Pahirapan ang pagsakay ng mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong umaga.
Ito’y dahil sa limitadong operasyon ng LRT Line 2 bunsod ng nasirang catenary o ang kableng nagsusuplay ng kuryente sa pagitan ng Katipunan at Santolan Stations nito.
Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), mula Recto hanggang Araneta Center sa Cubao lamang ang biyahe ng tren.
Kaya naman marami sa mga pasero ng LRT-2 mula Antipolo hanggang Anonas ang stranded dahil sa hindi alam na wala pa ring biyahe.
Resulta nito, unahan sa pagsakay ng jeepney at bus habang ang iba naman ay piniling sumakay na sa motorcycle taxi gayundin sa mga conventional taxi.
Katuwiran ng mga pasahero, mas mahaba ang kanilang magiging biyahe kung hindi sila sasakay ng tren.
Kaya’t umaasa ang mga manggagawa at estudyante na huwag ma-late sa kanilang pasok dahil dito. | ulat ni Jaymark Dagala