Umaapela ang Department of Health (DOH) sa mga pasyenteng may leptospirosis na huwag magsiksikan sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at San Lazaro Medical Hospital.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga pasyente sa dalawang ospital nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Health Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo, may kakayahan din naman ang ibang government hospital na gamutin ang leptospirosis.
Para daw sa mga koordinasyon at referral, maaaring tumawag sa:
DOH Metro Manila CHD: (02) 8531-0037; (0920) 283-2758
DOH central hotline: (0917) 837-0631. | ulat ni Mike Rogas