Pinagsusumite na ng Social Security System (SSS) ng compliance ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program ang lahat ng pensioners na naka-iskedyul para ngayong buwan ng Agosto.
Sa abiso ng SSS, maaaring isumite ang compliance bago matapos ang buwan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng monthly pension.
Obligado na mag-file ng ACOP reply form at iba pang kinakailangang dokumento ang mga retirement pensioners na nakatira sa abroad, total disability pensioners, death survivorship pensioners at dependent childrens under guardianship.
Sabi pa ng SSS, maging ang mga retirement pensioners na nakatira sa Pilipinas na may edad higit sa 80 taong gulang pataas ay obligado ring mag-comply sa ACOP Program.
Kailangan ding magsumite ng dalawang hiwalay na ACOP Reply Forms ang retirement pensioners na death- survivorship pensioners. | ulat ni Rey Ferrer