Kinumpirma ni Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano na malapit na nilang isiwalat ang mga taong nasa likod ng pagtakas ni dismissed Mayor Alice Guo.
Ayon kay Clavano mayroon nang pag-uusap si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa nasabing isyu.
Dagdag pa ni Clavano na mayroon nang mga personalidad na tinutukoy ang Pangulo at kalihim subalit kailangan pa itong siguraduhin para mas maging matibay ang impormasyon na ilalabas. | ulat ni Lorenz Tanjoco