Mga Pilipino, hinihikayat ni Pangulong Marcos Jr. na maging mga bayani sa sariling paraan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging makabagong bayani sa sariling paraan.

“Let us pay homage to our past so that we can be worthy of the freedom our ancestors fought for and of the Bagong Pilipinas that we can proudly leave to succeeding generations.” -Pangulong Marcos Jr.

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Sa talumpati ng Pangulo sa Taguig City para sa Araw ng mga Bayani (August 26), sinabi nito na ang isang makabagong bayani ay mayroong kakayahan na iangat ang kapwa, paglingkuran ang komunidad, at kumilos upang ma-preserba ang mga pamana, para sa susunod pang henerasyon.

“As we dedicate this day to honor our heroes of the past, let us not lose sight of what is asked of us here in the present. Let us carry on the great legacy of our brave ancestors with the fortitude of an enlightened mind, the strength of compassion and generosity, and the courage of our convictions.” -Pangulong Marcos

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Magagawa rin aniya ang pagiging isang makabagong bayani sa pamamagitan ng pagsusulong ng demokrasya, pagsunod sa batas, at pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

“Let us acknowledge the significance of history and pass it on to our young Filipinos so we can nurture our children, love of country; for it is only in patriotism that we can preserve our national identity.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us