Naglaan ng mas mataas na budget ang pamahalaan, para sa mga programa na mayroong kinalaman ng sa pagsusulong ng potensyal at employability ng mga kabataan sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) nasa PhP984.2 million, ang inilaan para sa implementasyon ng youth employability program.
Kabilang dito ang PhP828.9 million na pondo para sa Special Program for Employment of Students (SPES).
Habang PhP155.2 million para sa Job Start Program (JSP).
Sabi ng kalihim, mas mataas ito ng 84% kumpara sa inilaang pondo ngayong 2024.
“Nagkaroon ng substantial increase na 84% from last year’s budget, 449 po ang naging increase.” -Secretary Pangandaman.
Ang mga programa na ito ay hiwalay pa sa mga programa sa ilalim ng TESDA, DepEd, at CHED, na layong palakasin pa ang hanay ng mga kabataang Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan