Mga pulis na nasawi at nasugatan sa ikinasang operasyon ng PNP-AKG sa Pampanga, binigyang pugay ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaluduhan at binigyang parangal ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang dalawang pulis na nag-alay ng kanilang sarili habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.

Ito’y matapos masawi si PSSgt. Nelson Santiago habang sugatan naman si PCMSgt. Eden Accad sa ikinasang operasyon ng PNP Anti – Kidnapping Group sa Angeles City sa Pampanga nitong weekend.

Personal na binisita ng PNP chief ang burol ni Santiago kung saan, ipinaabot nito sa naulilang pamilya ang kanilang taos-pusong pakikiramay gayundin ng tulong pinansyal.

Binisita rin ni Marbil si Accad na nagpapagaling sa Angeles University Foundation Medical Center kung saan, tiniyak nito na kanilang ibibigay ang lahat ng pangangailangan para sa kaniyang paggaling.

Kasabay nito, kapwa ginawaran ni Marbil ng Medalya ng Kadakilaan sina Santiago at Accad dahil sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us