Binati ng mga senador si Philippine gymnast Carlos Yulo para sa pagkakasungkit nito ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Sinabi ni Senate Committee on Sports and Youth Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang pagkapanalo ni Yulo ng gintong medalya ay nagbibigay ng malaking karangalan sa buong Pilipinas.
Ayon kay Go, patunay ito na kapag buo ang suporta ng sambayanan sa ating mga atleta ay malayo ang kanilang mararating .
Ipinunto rin ni Go na ang isang hamon na maipagpatuloy pa at mas mapalakas ang mga programa sa sports para mabigyan ng pagkakataon at inspirasyon ang iba pang mga atleta na magpakitang gilas.
Iginiit naman ni Senador Lito Lapid na ang kwento ni Yulo ay patunay ng kapangyarihan ng pagsisikap at pangarap.
Pinasalamatan naman ni Senadora Nancy Binay si Yulo sa pagpapamalas ng potensyal ng mga Pilipino.
Samantalang, binigyang diin naman ni Senador Sherwin Gatchalian na kailangang tiyakin ngayon na ang mga susunod na henerasyon ng mga atleta ng Pilipinas ay mabibigyan rin ng suporta na kailangan nila para magtagumpay sa world stage.
At ito aniya ang layunin ng itinatag ang National Academy of sports (NAS). | ulat ni Nimfa Asuncion