Mga senador, naniniwalang malapit na ring mahuli ng mga awtoridad si dismissed Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala sina Senador Loren Legarda at Senador Sherwin Gatchalian na matatagpuan na rin sa lalong madaling panahon si dismissed Mayor Alice Guo kasunod na pagkakahuli sa kapatid niyang si Shiela Guo at sa kanilang business associate na si Cassandra Li Ong.

Ayon kay Legarda, magpapatuloy lang ang pagsisiyasat ng Senado sa mga isyung kinasasangkutan ni Alice Guo o Guo Hua Ping at titiyakin na ang katarungan, sang-ayon sa mga umiiral na batas ang mananaig.

Naniniwala naman si Gatchalian na hindi matatakasan ni Alice Guo ang mga krimen na kanyang ginawa.

Sinabi naman ng senador na ang pagbabalik bansa nina Shiela Guo at Cassandra Ong ay hindi lang isang procedural matter. Kinakatawan rin aniya nito ang isang kritikal na turning point sa paghahanap ng hustisya.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ngayong naaresto na sina Shiela Guo at Ong ay makakaharap na sila sa pagdinig ng Senado lalo’t may outstanding warrant of arrest ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso kay Shiela Guo.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us