Pinarangalan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga sundalong atleta ng AFP Lady Gunnar at AFP Cavaliers Basketball Team sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ang AFP Lady Gunnar Team ay nagwagi sa UNTV Volleyball League Season 2; habang ang AFP Cavaliers Basketball Team ay nag-kampeon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Cup 2024.
Ang dalawang team ay nakatanggap din ng cash na gantimpala sa kani-kanilang nilahukang kumpetisyon, na kanilang dinonate sa Victoriano Luna Medical Center at AFP Educational Benefit System Office.
Sinabi ni Gen. Brawner na ikinararangal niya ang husay sa palakasan ng dalawang team, at ang kabutihan ng kanilang puso sa pag-donate ng kanilang napanalunan sa makabuluhang pangangailangan.
Inengganyo naman ni Gen. Brawner ang lahat ng tauhan ng AFP na makilahok sa “competitive sports” upang magdala ng karangalan sa organisasyon at sa bayan. | ulat ni Leo Sarne