Isinasailalim na sa training ng Department of Social Welfare and Development ang mga tauhan nito para sa pamamahala ng makabagong sistema ng registration, licensing, at accreditation (RLA) ng social welfare and development agencies (SWDAs).
Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa nalalapit na paglulunsad sa Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS),
Ayon kay DSWD Standards Bureau Megan Therese Manahan ang training para sa HELPS Backroom Series ay dinesenyo upang matiyak na ang mga SB personnel na hahawak sa system ay may kaalaman sa pag-proseso nito.
Parte ng training ang backroom management at walkthrough sa panig naman ng kliyente.
Ito ay upang matiyak na seamless, stress-free, at mabilis ang online application process para sa end-users.
Sinabi ni Director Manahan, ang HELPS ay makapagbibigay ng smooth application para sa mga kliyente na mangangailangan ng RLA, public solicitation (PubSol), at duty-exempt importation (DEI) para naman sa foreign donated goods.
Magsisilbi din ito bilang online integrated permit system ng ahensya na naglalayong madagdagan ang bilang ng licensed public at private SWDA. | ulat ni Rey Ferrer