Isa pang magandang balita ang inihatid ng Department of Budget and Management para sa mga kawani ng pamahalaan.
Sa ambush interview sa Malacanang, sinabi ni Budget secretary Amenah Pangandaman na Kasama rin sa inaasahang tatanggapin ng MGA government workers ang retro o backpay sa una ng tinanggap na midyear bonus nitong nagdaang Mayo.
Bukod pa ito first tranche ng salary increase ng government workers na epektibo na ng January 2024 na una ng sinabi ng DBM na retroactive din.
Kaugnay nito’y umapela naman si Pangandaman sa mga ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang pag compute para mabilis din itong maipalabas at maibigay na sa mga empleyado ng gobyerno.
Tuwing buwan ng Mayo karamiwang ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno ang midyear bonus na nagsisilbi na ding 13th month pay ng mga government employees. | ulat ni Alvin Baltazar