Militarisasyon ng China sa Subi Reef, nagpapatuloy — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy hanggang sa ngayon ang militarisasyon ng China sa Subi Reef sa West Philippine Sea, ang pinakamalapit na reclamation project ng China sa Pag-asa Island.

Sa pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na na-monitor ng AFP ang mga improvement na ginawa ng China sa kanilang base militar sa Subi Reef.

Sa ngayon, aniya, ay may mga itinatayong istruktura, at may mga heavy equipment sa Subi Reef.

Pero nilinaw ni Trinidad na ang Subi Reef na 12 hanggang 15 kilometro mula sa Pag-asa Island, ay nasa labas na ng territorial waters ng Pag-asa Island at hindi sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Trinidad na iligal pa rin ang ginagawa ng China alinsunod sa desisyon ng Arbitral Tribunal na ang lahat ng artificial islands na nilikha ng China sa WPS ay hindi nagbibigay sa kanila ng anumang “maritime entitlement” o karapatan sa karagatan.

Sinabi ni Trinidad na nasa 3,000 ektarya na ang ni-reclaim ng China sa loob at labas ng EEZ ng Pilipinas sa West Philippine Sea.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us