Naharang ng mga tauhan ng law enforcement officials sa Clark Freeport Zone ang dalawang kahon na naglalaman ng Marijuana Kush.
Ayon sa inilabas na report ng PNP Aviation Security Group nagkakahalaga ang naturang kargamento ng nasa mahigit P17 milyon.
Patunay anila ang nasabing matagumpay na operasyon ng maigting na pagbabantay at koordinasayon ng Clark Drug Interdiction Task Group (Clark-DITG) na nanatiling frontline defense ng bansa kontra illicit drug trafficking.
Base sa pahayag ng AVSEGROUP, ang naturang wooden crates ay itinago bilang mga ‘sofa set’ na nagmula sa Bangkok, Thailand at namataan ng Bureau of Customs (BOC) gamit ang X-ray inspection.
Dito na tinimbrehan ng BOC ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Clark, Aviation Security Unit 3 (AVSEU 3), at ang ibang miyembro ng Clark-DITG.
Ayon kay PBGen. Christopher N. Abrahano, Director ng PNP AVSEGROUP, kapuri-puri ang kolaborasyon at mabilis na aksyon ng Clark-DITG na nagbibigay diin sa kritikal na papel ng mga tagapagpatupad ng batas para bantayan ang mga pantalan.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay agad ipinadala sa PDEA laboratory para sa mas malalimang analysis.
Habang nahaharap naman ang consignee na may address sa Hermosa, Bataan sa paglabag sa RA 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: BOC