MMC, hihikayatin ang LGUs na sumuporta sa panawagan ng DOH na pagbabawal sa paglangoy sa baha para maiwasan ang pagkalat ng leptospirosis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Metro Manila Council (MMC) ang panawagan ng Department of Health (DOH) sa pagbabawal sa paglangoy sa baha para maiwasan ang pagkalat ng leptospirosis.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMC President at San Juan Mayor Francis Zamora, na hihikayatin niya ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng kautusan laban sa pag-swimming sa baha.

Ito ay para makapag-isyu ng MMC resolution.

Kaugnay nito, sinabi ni Zamora na irerekomenda niya rin sa San Juan na sertipikahang “urgent” ang kautusan na nagbabawal sa pag-swimming sa baha.

Layunin ng bagong kautusan na protektahan ang kaligtasan ng publiko at makaiwas na rin sa sakit na leptospirosis. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us