MOA para sa oportunidad ng PDLs na kumita sa kanilang mga likha, nilagdaan ng Davao Prison and Penal Farm at University Southeastern Philippines – BuCor  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng kasunduan ang University of South Eastern Philippines at Davao Prison and Penal Farm (DPPF) para mapadali ang mga oportunidad sa mga person deprived of liberty (PDL) na maibenta sa merkado ang kanilang likhang mga handicraft.

Layun din ng memorandum of agreement (MOA) na magkakaroon ng pagkakataon ang mga PDL na kumonekta sa higit pang mga platform kung saan maipapakita nila ang kanilang mga produkto at sa huli ay mapahusay ang kanilang mga koneksyon sa marketing.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio PIO Catapang Jr. sa ilalim ng kasunduan, bibilhin ng unibersidad ang wood carvings ng mga PDL tulad ng replica ng Philippine Eagle para ibigay sa kanilang mga stakeholder at bisita bilang mga souvenir.

Pinasalamatan ni DPPF Acting Superintendent C/SINSP Mendoza Jr. ang mga opisyal ng unibersidad sa pakikipagtulungan sa DPPF sa magandang pagkakataon para sa mga PDL, na ipakita ang kanilang mga produkto at kumita.

Ang MOA na ito ay magbibigay ng tuloy-tuloy na kabuhayan at pag-access sa marketing sa mga PDL, na makakatulong sa pagpapagaan ng kanilang kalagayan at matustusan ang kanilang mga pamilya habang nakakulong. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us