Pinagtibay ngayon ng Moody’s rating ang investment -grade credit rating ng Pilipinas na “Baa2” with stable outlook.
Ayon sa credit rating agency ito ay dahil sa mga repormang ginagawa ng gobierno upang iliberalize ang ekonomiya, fiscal consolidation efforts at robust macroeconomic fundamentals.
Inaasahan din ng Moody’s na patuloy na tataas ang Foreign Investment inflows sa 2024 hanggang 2025, particular ang pamumuhunan sa sector ng enerhiya, manufacturing, information and communication at infrastructure.
Welcome naman ng Bangko Sentral ng Pilpinas (BSP) ang Moody’s affirmation sa investment grade rating ng bansa.
Ayon kay BSP Gov. Eli Remlona. nagsisikap ang gobierno na paghusayin pa ang rating sa pamamagitan ng pagkamit price stability tungo sa sustainable economic growth.
Ang investment-grade rating ay nagpapakita ng mababang sovereign risk na siyang makatutulong upang makakuha ng cheaper funding ang PIlipinas. | ulat ni Melany Reyes